Close

Beauty Queens, bumida rin sa 30th SEA Games opening ceremony

Sponsor ads


Bukod sa mga sports legends, at bigating mga performers ay naging tampok rin sa 30th Southeast Asian Games Opening Ceremony ang kagandahan ng Pinay beauty queens na nagsilbi bilang mga muse sa martsa ng mga atleta sa Philippine Arena.

Mala-Reyna Elena ang ginawang istilo ng pagrampa ng 11 pageant title holders sa event.

Si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang naging muse ng Pilipinas; Sinamahan naman ni Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman ang contingent ng Brunei Darussalam; habang si Miss Multinational 2013 Sophia Senoron naman ang kasama ng delegasyon ng Cambodia.

Pumarada naman si Miss World 2013 Megan Young kasama ang Indonesia; si Miss Eco International 2018 Cythia Thomalis naman ang kasama ng Laos national team; nagsilbing muse naman ng Malaysia si Miss International 2006 Lara Quigaman at si Miss Earth 2017 Karen Ibasco naman ang para sa Myanmar.

Nakasama ni Miss Earth 2014 Jamie Harrel ang team Singapore; pumarada naman si Miss Earth 2015 Angelia Ong kasama ang contingent ng Thailand; si Miss tourism 2017 Jannie Alipo-on ang naging muse ng East Timor, habang si Miss Asia Pacific International 2018 Shafira Akeel ang nakasama ng mga pambato ng Vietnam.