Close

Bb. Pilipinas candidates, nagpasiklab ng talento sa isang patimpalak

Sponsor ads


Nagpamalas ng talento sa isang patimpalak ang piling 15 kandidata ng Binibining Pilipinas 2018.

Ginanap ang talent competition sa Farmers, Cubao.

Isa sa mga nag-stand out sa patimpalak ay si Candidate #14 Samantha Bernardo.

Ipinakita ni Bernardo ang husay niya sa pagsayaw ng Pandango sa Ilaw at pagkatapos ay nagpasiklab rin siya ng kanyang kakayahan sa gymnastics.

Dinala naman ni Candidate #19 Michele Gumabao ang ilan sa kanyang mga cute na alagang aso para magpakita ng dog tricks sa entablado.

Mala-diyosa naman na pagsayaw ang ipinakita ni candidate # 28 Angelica Corbe.

Mababatid na iaanunsyo ang winner sa talent competition sa coronation night ng Bb. Pilipinas sa March 18.