Close

Bayan Muna, naniniwalang tinaniman ng ebidensya si Ladlad

Sponsor ads


Kumbinsido ang Bayan Muna na tinaniman lang ng ebidensya si National Democtratic Front of the Philippines consultant Vic Ladlad para ito ay maaresto.

Mababatid na patong patong na kaso ang isinampa laban kay Ladlad.

Ayon kay Bayan Muna Chairman at dating Partylist Represenatative Neri Colmenares, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang mapatunayan ito.

Malinaw naman aniya na gawa gawa lamang ang pambibintang kay Ladlad na mayroon itong itinagong matataas na kalibre ng armas.

Naniniwala rin si Colmenares na gagawin itong panibagong pangharang sa planong pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.