Close

Bato, magpapapugot pag mapatunayang state-sponsored ang drug killings

Sponsor ads


Handa umano si Senador Ronald "Bato" Dela Rosa na magpapugot kung mapapatunayang state-sponsored ang mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs campaign.

Ito ang iginiit ng bagong senador matapos na i-adopt ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang Iceland-led resolution na magsagawa ng imbestigasyon sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas.

Sa isang chance interview sa Camp Crame, hinamon ni Dela Rosa ang UNHRC na magpunta sa bansa at pugutan sya kung mapapatunayan sa imbestigasyon na gawa ng mga pulis ang libu-libong pagkamatay ng mga tao sa ilalim ng kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Maliban dito, sumang-ayon din ang bagong senador sa sinabi ng Palasyo na ang resolusyon ay insulto sa mga Pilipino at pambabastos sa soberanya ng bansa.