Close

Bato, dismayado sa P59.8-M SA mess sa SAF

Sponsor ads


Nagpahayag ng pagkadismya si PNP chief Director General Ronald "Bato" Dela Rosa, kaugnay sa alegasyon ng halos P60 million na halaga ng subsistence allowance na hindi nabigay para sa mga sana'y recipients nito sa Special Action Force.

Sa kabila nito, ipinapaubaya nalang ni Dela Rosa sa Ombusdman ang pag-iimbestiga kaugnay sa kaso.

Si Dela Rosa ang nakatakdang magretiro sa April 19.

Una nang naghain ang mga dati at kasalukuyang SAF personnel ng malversation at plunder complaints laban kay dating SAF chief Director Benjamin Lusad at iba pang finance officers dahil sa umano'y kabiguang ipamahagi ang dalawang taong halaga ng daily additional subsistence allowance na nagkakahalaga sa P59.8-million.

Ayon sa outgoing PNP chief, kinausap na umano niya si Lusad kung saan sinabi nito na ang bahagi ng allowance ay ginamit para pondohan ang pagkain ng mga SAF troopers na itinalaga sa New Bilibid Prison.

Tiniyak naman ng PNP chief sa SAF troopers na ibibigay sa mga ito kung anu ang para sa kanila sa oras na matapos na ang imbestigasyon.