Close

Batangas wagi kontra Muntinlupa sa MPBL championships game 1

Sponsor ads


Wagi ang Batangas City Athletics - Tanduay kontra sa Muntinlupa Cagers - Angelis Resort sa game 1 ng Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup finals na nagtapos sa score na 70-64.

Napuno ang Batangas City Coliseum ng home crowd na gustong masaksihan ang pagbubukas ng best-of-5 series ng dalawang kuponan.

Ipinakita ng Batangas ang lakas nito sa unang 3 quarters ng laro.

Nang dumating ang ikaapat na quarter ay ipinamalas ng Cagers ang 10-0 run nito para tablahin ang laban sa 64-all.

Bumida naman sa laro si Tey Tey Teodoro ng Athletics matapos niyang maipasok ang isang lay-up at free throw na nagmula sa foul sa huling 54 seconds ng laro.

Naitala ni Teodoro ang 20 points habang si Val Acuna ay nakapag-ambag ng 14 points sa Athletics.

Samantala, mapapanood muli ng mga Batangueño ng live ang Game 2 bukas, alas-siete ng gabi sa Batangas City Coliseum.