Close

Batang may asthma, mas kailangan ng flu shot – study

Sponsor ads


Isang pag-aaral na inilathala noong June 4 sa Pediatrics journal ang nagsasabi na mas kailangan ng mga batang may asthma ang systematic flu shot.

Ito ay batay sa naging resulta ng research na isinagawa sa mahigit 1,000 bata na may moderate o severe asthma attacks na isinugod sa emergency rooms sa limang ospital sa Canada.

Ayon sa co-author and pediatrician Dr. Francine Ducharme, mas mataas ang posibilidad na ‘di mag-respond ang bata sa isang emergency treatment pagkatapos ng isang asthma attack kung ito ay may lagnat o trangkaso na imbes sa 18% lamang na treatment failure ay aakyat ito ng 40%.

Two-thirds sa 1,000 pasyenteng sinuri sa study ay napag-alamang may viral infection kung saan 19% lamang sa kanila ang nag-respond sa ibinigay na standard treatments para sa asthma attack gaya ng oral corticosteroids at inhaled bronchodilators kumpara sa 13% na mga batang walang virus.

Ang asthma ay isang chronic disease ng airways bagamat ang human rhinoviruses – na dahilan ng common colds – ay hindi naman kinokonsiderang nakakabawas sa effectiveness ng asthma treatment.