Close

Batang Gilas, aabanse na sa U-19 World Cup

Sponsor ads


Unbeaten pa rin ang Batang Gilas matapos nitong durugin ang Bahrain sa score na 67-52 sa laro na ginanap sa Thailand.

Bilang resulta ay nakamit na ng Batang Gilas ang pwesto nito sa last 4 ng FIBA U18 Asian Championship at ito ang unang beses na aabanse sa U19 World Cup ang Pilipinas mula nang mangyari ito noong 1979.

Sa laro kontra Bahrain ay nagpasiklab si Kai Sotto na nakapagtala ng game-high 21 points, 10 boards at 3 blocks habang si AJ Edu naman ay nagkapag-ambag ng 16 points, 17 rebounds, 3 assists, 2 steals at 2 blocks.

Samantala, makakaharap naman ng youth team ng Pilipinas ang pinakamatindi nitong karibal sa U-18 FIBA, ang Australian Boomers na nanalo sa quarter finals game nito kontra Japan sa score na 88-52.

Mababatid na malinis pa rin ang record ng Batang Gilas sa kanilang 4-0 win loss card.