Close

Basura mula SoKor sa Misamis, nasunog

Sponsor ads


Nasunog ang mga basura mula sa South Korea na nakatambak sa loob ng planta ng Verde Soko sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Mabilis rumesponde ang mga bombero pero nahirapan ang mga ito na apulahin ang apoy dahil sa lakas ng hangin.

Bukod pa rito, karamihan rin sa basura ay plastik kaya mas mabilis na kumalat ang apoy.

Nagsagawa ng fireline ang mga bombero gamit ang payloader at backhoe para hindi madamay ang iba pang basura.

Ayon kay Police Sergeant Manny Salomabao, posibleng grassfire ang pinagmulan ng sunog dahil sa init ng panahon.

Pero nais paimbestigahan ni Mayor Gober Sabio ang insidente dahil para sa kanya, kwestyonable ito.

Mababatid na nakatakda na sanang ibalik ngayong buwan sa South Korea ang tone-tonelada nitong basura.