Close

Baron Geisler, binigyan ng honorary title ng royal family ng Sulu

Sponsor ads


"His Excellency Datu Baron Frederick von Geisler, Royal Datu and Ambassador for Peace and Prosperity"

Ito ang honorary title ng aktor na si Baron Geisler na ibinigay ng royal family nina King Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak.

Iginawad ng hari at reyna na tagapagmana ng trono ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu & North Borneo ang honorary title sa aktor noong September 10 sa Pookaberry Cafe, 36-B Sct. Ybardolaza Street, Quezon City.

Ayon kay Baron, nagsimula ang lahat sa birthday party ng pastor na si Attorney Joe Villanueva noong August 6 sa Manila Hotel kung saan ay ibinahagi niya ang kwento ng kanyang buhay.

Sinabi ni Baron na naikuwento niya kung paano siya natulungan ng Panginoon sa kanyang pagbabago sa sarili, pagkakaroon ng spiritual awakening.

Dagdag ni Baron, ngayong payapa na ang kanyang puso, at nasa puso niya ang Panginoon, ay nais niya na itong ibahagi sa lahat ng mga Pilipino na kanyang makakasalamuha.

Sinabi naman ni Baron na itinalaga siya ni Villanueva bilang Executive Vice President for Media Production ng Knights of the King Circle kung saan ay trabaho na na mag-produs ng mga palabas na puno ng Christian values.

Naniniwala si Datu Baron na sa tulong ng hari at reyna ay magkakaroon sila ng safe passage sa Mindanao para ikalat ang turo ng Kristyanismo.