Close

Bangkay ng dating WWE star na si Gaspard, inanod sa dalampasigan

Sponsor ads


Natagpuan ang bangkay ng WWE wrestler na si Shad Gaspard sa dalampasigan ng Southern California Beach.

Kinumpirma ng WWE ang pagkamatay ng 39-anyos si Gaspard matapos itong maipit sa isang rip current habang lumalangoy kasama ang kanyang anak.

Sinubukan ng life guards na sagipin si Gaspard, ngunit hiniling na unahin munang iligtas ang kanyang anak noong linggo.

Tuluyang naglaho sa katubigan ang wrestler hangga't sa itinigil na ng Coast Guard ang paghahanap noong Martes.

Nakilala si Gaspard sa panahon nito sa WWE bilang bahagi ng Cryme Tyme team kasama si Jayson Anthony Paul, o mas kilala bilang JTG.