Close

Bangkay na nabawi sa paglubog ng barko sa Danube river, nadagdagan

Sponsor ads


Nadiskubre ng Hungarian police ang mas marami pang bangkay matapos nitong maiangat ang barko na lumubog sa Danube river sa Budapest kung saan ay umabot sa 24 ang nakumpirmang patay.

Nangyari ang nasabing insidente noong gabi ng May 29.

Naalis ng mga pulis ang dagdag na 4 na bangkay mula sa Mermaid tourist boat habang nanatiling nawawala ang 4 na iba pa matapos ang dalawang linggo mula nang mangyari ang trahedya.

Inabot naman ng mahigit 6 na oras ang operasyon sa pagpapa-angat ng vessel mula sa ilog papunta sa barge began.

Nagpartisipa sa operasyon ang maraming rescue workers kabilang na ang diving team na galing South Korea.

Kung maalala, karamihan ng mga sakay sa Mermaid ay mga South Korean bago ito lumubog sa ilog dahil sa pagbangga ng barko sa mas malaking river cruise boat.