Close

Bangkay, natagpuan

Sponsor ads


KORONADAL CITY - WALA nang buhay ng matagpuan ang isang lalaki sa loob ng kanyang kwarto sa Blk. 1, Amorao Subdivision, Barangay Sta. Cruz nitong lungsod.

Kinilala ang ito na si Richard Calibayan Armonio, 28-anyos, residente ng nasabing lugar.

Wala namang may nakitang sugat, o pasa ang biktima.

Isinailalim sa otopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito. (Tiffany Jill Trinidad)