Close

Banat ng Pangulo kontra sa mga obispo, 'dramatic effect' lang - Palace

Sponsor ads


Minaliit lamang ng Palasyo ang huling banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga obispo.

Sinabi ni Presidential spokesperson at chief legal counsel Salvador Panelo, gumagamit lamang ng "hyperbole" ang Pangulo nang sabihin nito na dapat ay patayin na lamang ang mga obispo dahil sa kawalan ng mga ito ng silbi.

Dagdag ni Panelo, ginagawa lamang ng Pangulo ang mga pahayag nito para magkaroon ng "dramatic effect".

Paliwanag ng kalihim, nais lamang ng Pangulo na tigilan na ng Simbahang Katolika ang pambabatikos at simulan na ang paggawa ng mabuti.