Close

Ban sa passenger boats sa Iloilo-Guimaras Strait, binawi na

Sponsor ads


Pormal nang inalis ang ban sa paggamit ng mga de-motor na bangka sa Iloilo-Guimaras Strait.

Maaalalang ipinagbawal ang biyahe ng mga naturang bangka matapos nga ang aksidente.

Bagay naman ito na naka-apekto sa pangkabuhayan ng mga taga-lugar pati na rin ang mga biyahe rito dahil sa paghaba ng pila sa mga Ro-Ro.

Makalipas ang sampung araw na suspensyon, sinabi nig Philippine Coast Guardna ngayong araw ay tuloy nang muli ang mga biyahe nito.

Sa kabila nito, pinaalalahanan pa rin ng PCG ang mga bangka na hindi ito makaba-biyahe kapag masama ang panahon o kaya naman ay masungit ang alon.

Sisiguruhin din na bago ito maglayag ay 75% lamang ng kanilang passenger capacity ang maaaring magamit.
#