Close

Bam sa SUCs: Nakolektang tuition fees, isauli sa mga studs

Sponsor ads


Hiniling ni Senator Bam Aquino sa mga state universities and colleges (SUCs) na ibalik ang bayad na kanilang kinolekta mula sa mga estudyante ngayong ikalawang semester ng school year 2017-18

Ayon kay Sen. Bam, dahil umiiral na ang batas sa libreng kolehiyo, dapat na itong ipinatutupad ng Commission on Higher Education partikular ang Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act

Ayon kay Sen. Bam, may ilang SUCs na ang sumunod sa batas at tumigil na sa pangongolekta ng tuition at iba pang bayarin mula sa mga estudyante pero may ilan pa ring paaralan ang ginagawa ito sa kabila ng nasabing batas

Giit ng senador, higit na kailangan ito ng mga pamilyang Pilipino ngayon lalo pa’t tumataas ang presyo ng bilihin at serbisyo bunsod ng tax reform law.