Close

Bahay ni Ex-Malaysian PM Najib, ni-raid

Sponsor ads


Sinalakay ng mga pulis ang bahay ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak na kagagaling lamang sa mosque upang magdasal gabi ng Miyerkules, May 16.

Ayon sa mga nakasaksi, nasa isang dosenang armadong otoridad umano ang lumusob sa bahay nito, habang nasa 16 na patrol cars at isang truck ang namataang pumasok sa lugar.

Base naman sa nakalap na report Bernama at Reuters, sumugod umano ang mga pulis upang maghanap ng mga dokyumento at ebidensyang may koneksyon sa kasalukuyang eskandalong kinahaharap ni Najib na korapsyon at paggamit ng kaban ng bayan para sa sarili niyang interes.

Matatandaang natalo si Najib sa mentor niyang si Mahathir Mohamad, na ngayo’y hinirang na world’s oldest elected leader sa edad na 92, sa isinagawang Parliamentary poll noong nakaraang linggo. – AJ Nguho