Close

Bahagyang pagbaba ng GDP growth, hindi alarming -Palasyo

Sponsor ads


Nanindigan ngayon ang Palasyo na walang dapat ipangamba ang publiko sa bahagyang pagbaba ng gross domestic product (GDP) growth rate para sa ikalawang quarter ng 2018.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi alarming ang 6% na GDP growth rate dahil kung tutuusin ay mataas pa rin ito.

Mas mababa kasi ito ng 0.6 percent kung ikukumpara sa nakuhang GDP ng 1st quarter ngayong taon na nakakuha ng 6.6 percent.

Umaasa naman ang palasyo na makakabawi ang bansa sa susunod na quarter.

Magugunitang sa forecast noon ng mga economic managers ni Pangulong Duterte nasa 7-8 percent ang inaasahan nilang GDP growth para sa 2nd quarter ng 2018.