Close

Bahagi ng Iloilo Hall of Justice, nagkaroon ng bitak sanhi ng lindol

Sponsor ads


ILOILO CITY – Kapansin-pansin ang mga ‘crack’ sa gusali ng Iloilo Hall of Justice matapos yanigin ng 4.8 na lindol nitong Lunes.

Sa isinagawang inspeksyon na pinangunahan ni IHJ Building Administrator Engr. Manuel Autajay, nagkaroon ng bitak sa dingding ng 2nd floor at Branch 5 sa Annex Building.

Nagkaroon din ng bitak sa hagdan papuntang 2nd floor at comfort room ng Administration Building.

Samantala, sa kabila nito ipinasiguro naman ni Engr. Autajay na walang dapat ikabahala dahil wala umanong damage ang beams at columns ng naturang gusali.