Close

Bagyong Marilyn, asahan

Sponsor ads


Bahagya pang lumakas ang Tropical Depression na minomonitor ng PAG-ASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility habang tinatahak ang direksyong pa-silangan hilagang silangan.

Huli itong namataan sa layong 1,495 kilometro silangan ng Visayas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging na aabot ng 55 kilometro kada oras at bugsong aabot ng 70 kilometro kada oras.

Inaasahan itong papasok ng PAR sa loob ng kwuarenta'y-otso oras at tatawaging Bagyong Marilyn.

Sa kasalukuyan, ang trough o extension nito ang humahatak sa Southwest Monsoon o Hanging Habagat.

Dahil dito, asahan ang mga kalat-kalat na katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Mindoro, ROmblon, Marinduque, at hilagang bahagi ng Palawan.

Kabilang din sa maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Visayas at ng Bicol Region.
#