Close

Baguio City Jail, nagsagawa ng DOTA tournament para sa kanilang inmates

Sponsor ads


Nasubukan ang gaming skills ng mga inmates ng Baguio City matapos isagawa ng BCJMP ang esports tournament sa loob ng kulungan.

Mababatid na nagsagawa ang Bureau of Jail Management and Penology in Baguio ng DOTA tournament para sa mga persons deprived of liberty para bigyan ang mga ito ng avenue na maka-compete habang nakakulong.

Ang isinagawang kompetisyon ng male dorm management ng naturang kulungan ay bilang bahagi ng programa na mapaganda ang mental well-being ng mga preso.

Sa kanilang Facebook post, ginamit ng Baguio jail ang mga hashtags na #ChangingLivesBuildingASaferNation at #defeatboredom.