Close

Bagsik ni Parks ng El Tigre, hindi umubra sa Cagers

Sponsor ads


Hindi umubra sa Muntinlupa Cagers ang game play ni Ray Parks na unang beses naglaro para sa pangkat ng Mandaluyong El Tigre.

Sa kabila kasi ng 21 points at 10 rebounds ni Parks ay bigo pa rin ito na maiangat ang Mandaluyong kontra Muntinlupa sa kanilang opening game para sa Maharlika Basketball League (MPBL) na nagtapos sa score na 86-74.

Bumida sa laro ang pagtutulungan ng mga beterano na sina Allan Mangahas at Chito Jaime sa kanilang 11-0 run sa pagtatapos ng second quarter na nagbigay sa Cagers ng 46-36 lead.

Nanguna si Jaime sa Muntinlupa sa naitala niyang 17 points habang si Mangahas naman ay nakapag-ambag ng 16 points, 6 rebounds at 5 assists.