Close

Bagong respresentante ni Pope Francis sa Pinas, itinalaga na

Nagtalaga na si Pope Francis ng panibagong Apostolic Nuncio sa Pilipines.

Ayon sa anunsiyo ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), napili nito si Italian Archbishop Gabriele Giordana Caccia bilang bagong papal nuncio na napagdesisyunan umano ng Santo Papa kahapon, pagdating na pagdating nito sa Roma matapos ang kanyang pagbisita sa Colombia.

Papalitan ni Caccia si Italian Archibisjop Giuseppe Pinto matapos itong malipat sa Croatia noong Hulyo.

Mababatid na ang apostolic nuncio o sugo ng papa ay isang permanenteng diplomatikong kinatawan o pinuno ng diplomatikong misyon ng Holy See sa isang estado. (Contributor - Aci Del Rosario)