Close

Bagong kumpetisyon sa telco industry, welcome sa Globe at Smart

Sponsor ads


Welcome sa mga Telco giants na Globe Telecom at PLDT-Smart ang bagong major player sa ginagalawan nilang industriya.

Ito ay matapos ideklara ng National Telecommunications Commission ang Mislatel Consortium bilang provisional thrid telco ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Globe na wine-welcome nito ang bagong challenger na nakikita nilang makakatulong sa pagbuo ng healthy competitive environment at mapakikinabangan ng mga konsyumer.

Ayon kay Globe general counsel Froilan Castelo, masaya ito sa naging smooth selection process ng Department of Information and Communications Technology at NTC.

Sana lang anya ay maging patas ang suporta ng gobyerno sa mga existing telcos katulad ng Globe na nagseserbisyo sa mahigit 67-million subscribers.

Ipinunto naman ni PLDT-Smart spokesperson Ramon Isberto na ang pagkakaroon ng kumpetisyon ay karaniwan na sa isang liberalized environment at makakakuha din anya ng benepisyo dito ang mga customers.

Iginiit naman ng PLDT-Smart na handa na itong makipagkumpitensya.

Samantala, nangako naman ang Globe na handa itong tuparin ang kanilang pangako na mag-divest sa kanilang tower assets upang magawa ng ikatlong player na makapag-launch kaagad ng commercial operations at mabigyan ng pagkakataon ang mga mas maliit na players na paunlarin ang kanilang negosyo na hindi namomroblema sa mataas na kapital.