Close

Bagong batch ng mga opisyal, in-appoint ni Duterte

Sponsor ads


Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batch ng mga government officials kabilang na dito ang dalawang career diplomats bilang mga ambassadors ng bansa sa Germany at Denmark.

Mapupunta si Foreign Affairs Undersecretary for Policy Enrique Manalo bilang bagong ambassador sa Germany habang si Foreign Affairs Assistant Secretary Leo Herrera-Lim naman ang magiging ambassador ng bansa sa Denmark.

Si Manalo ay nagsilbi dati bilang acting Secretary ng Department of Foreign Affairs nang ma-reject si dating secretary Perfecto Yasay Jr. ng Commission on Appointments noong nakaraang taon.

Nagtapos sa kursong economics si Manalo mula sa University of the Philippines at dati niya na din nahawakan ang mga ambassadorial posts sa United Kingdom, Belgium at Luxmbourg.

Si Herrera-Lim naman ay dating nakapagtrabaho bilang Philippine Consul General sa Los Angeles, Chicago, at London.

Dati din na-appoint bilang Second Secretary at Consul ng Philippine Embassy sa Washington, DC si Lim.

Samantala, ang iba naman appointees ng Pangulo ay sina Robert Eric Borje na mamumuno sa Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs; Napoleon Taas na magiging Chief Financial Officer ng Civil Aviation Authority of the Philippines; at si Pircelyn Pialago bilang tagapagsalita ng Metro Manila Development Authority (MMDA).