Close

Bagong bakuna vs dengue, inaaral na; Kaso ng dengue, dumoble

Sponsor ads


Lalo pang tumaas ang bilang ng kaso ng dengue ngayong taon.

Sa tala ng Department of Health, dumoble ang tinamaan ng dengue sa unang 6 na buwan ng 2019.

Tinatayang 98,179 na ang kaso ng dengue mula Enero kung saan 428 rito ang nasawi.

Mababatid na noong nakaraang taon sa parehong panahon, nasa 53,475 lamang na dengue cases ang naitala ng ahensya.

Halos maubos na ang pwesto sa ospital sa Iloilo partikular sa Ramon Tabiana Memorial District dahil sa dami ng nagkasakit ng dengue.

Mababatid na nagdeklara na ng dengue outbreak sa lugar.

Ibinalita naman ni Health Secretary Francisco Duque III na mayroong bagong bakuna na panlaban sa dengue na ngayon ay isinasailalim pa sa clinical trial.