Close

Bagong SK officials sa Koronadal, sasailalim sa mandatory training

Sponsor ads


KORONADAL CITY- MGA nanalong Sangguniang Kabataan (SK) chairperson at mga SK kagawad sa lungsod ng Koronadal ang unang isasailalim sa mandatory training ng Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato.

Ayon kay DILG provincial director Aurora Andrea De Pedro na gagawin ang training sa mga SK officials Mayo 17 sa Notre Dame of Marbel University sa lungsod.

Napag-alaman na batay sa RA 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, hindi makakaupo sa pwesto ang mga SK officials na hindi makakapagtraining.

Covered ng mandatory training ang modules on decentralization and local government, SK history and salient features; paano magsagawa ng meetings at bumuo ng resolution, paano magplano at mga budget, at ang code of conduct and ethical standards of a public official. (Arjean Bautista-Gasis)