Close

Bagong Chinese submersible, sinisid ang pinakamalalim na ocean trench sa buong mundo

Sponsor ads


Ipinakita ng China sa pamamagitan ng livestream footage ang bago nitong manned submersible na nakatigil sa ibabang bahagi ng Mariana Trench, bilang bahagi ng makasaysayang misyon nito na maabot ang pinakamalalim na underwater valley sa buong mundo.

Sinabi ng CCTV, na state news agency ng China, na matagumpay na nakasisid ang "Fendouzhe" o "Striver" sa karagatan na mahigit 10,000 meters o 33,000 feet ang lalim.

Ibinahagi rin ng China na meron itong 3 researchers na nakasakay sa submersible.

Noong 1960 ay unang nabisita ng explorers ang trench sa pamamagitan ng maikling expedition nito.

Pagkatapos niyan ay wala ng mga sumunod na misyon hanggang sa nagtungo doon ng mag-isa ang Hollywood director na si James Cameron noong 2012.

Tinukoy ni Cameron ang lugar bilang "desolate" at "alien" environment.

(Screengrab from CCTV footage)