Close

Bagley umatras sa pagsali sa USA basketball Team

Sponsor ads


Hindi na tumuloy si Sacramento Kings Forward Marvin Bagley III sa USA Basketball Team.

Sa ngayon, prayoridad muna ni Bagley ang bagong season ng NBA.

Pasok kasi ang naturang player sa select team na sasabak sa FIBA World Cup China.

Kaya naman naghahanap muli si USA Basketball coach Gregg Poppovich ng ipapalit kay Bagley.

Nasa training camp ng USA Basketball ang dalawang manlalaro ng Sacramento na sina Harrison Barnes at De'Aaron Fox.

Ang Boston Celtics naman ay mayroon nang apat na manlalaro.

Kabilang rito sina Jaylen Brown, Marcus Smart, Kemba Walker at Jayson Tatum.