Close

Bae-by Baste, naospital dahil sa dengue

Sponsor ads


Naka-confine ngayon ang child star na si bae-by Baste matapos na ma-diagnose na mayroong sakit na dengue.

Ayon sa manager ni Baste, dalawang araw nang nilalagnat ang child star kaya't isinugod na ito agad sa ospital.

Sa blood test, napag-alamang positibo sa dengue ang bata.

Sa isang post sa instagram ni Baste na minamanage ng kanyang mga magulang na sina Papa Sol at Mama Shiela, nalaman na mayron ding lagnat ang kapatid nito.

Nananawagan ngayon ng panalangin ang pamilya ni Baste para sa kanyang paggaling at ng kanyang kapatid.

Syempre, hindi nalimutang kamustahin ng kanyang kuya na si pambansang bae Alden Richards ang child star.

Sa ngayon, nagpapagaling pa ang bata sa ospital.