Close

Backpacks, sa loob ng mosque sa Davao city, ban na

Sponsor ads


Sinimulan na ng Davao City ang pagpapatupad ng “no backpack policy” sa loob ng mosques kasunod ng pambobomba sa Jolo at Zamboanga City.

Ito ang naging deisyon ng imams ng lungsod o ang worship leaders sa Muslim community para matiyak ang kaligtasan ng mga worshipers public sa lahat ng mosque sa kanilang lugar.

Maliban sa backpacks, bawal rin sa loob ng worship area ang pagdadala ng malalaking plastic bags at boxes.

Kaugnay nito, isasagawa rin ang profiling sa mga pinaghihinalaang tao.

Samantala, nakipagtulungan na rin ang Task Force Davao Commander Nolasco Mempin sa Davao City imams para sa pagpapatupad ng ban.

Una nang ipinagbawal ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagdadala ng backpacks sa loob ng Roman Catholic churches at iba pang worship area sa naturang lungsod.