Close

Babaeng Chinese, na-quarantine sa Thailand dahil sa misteryosong coronavirus

Sponsor ads


Isinailalim sa quarantine ang isang Chinese na babae na may taglay umanong misteryosong coronavirus.

Ito na ang unang beses na na-detect ang nasabing virus sa labas ng China.

Dahil diyan ay pinaigting ng mga otoridad sa Thailand ang monitoring nito sa mga airports bago ang Lunar New Year holiday, na magsisimula sa January 25, kung saan ay inaasahan ang pagdagsa ng libo-libong mga turista mula sa China.

Kung maalala ay nasawi ang 61-anyos na lalaki mula sa pnuemonia, na isa sa mga symptomas ng misteryosong sakit, sa Wuhan, China, matapos magkaroon ng outbreak ng hindi pa natutukoy na virus.

Sa kabuoan ay meron nang naitatalang 41 kaso ng pneumonia sa China at base sa mga lab tests na ginawa sa mga nasabing kaso ay lumalabas na taglay ng mga pasyente ang bagong uri ng coronavirus.

Ang Coronavirus ay grupo ng mga virus na maaring magdulot ng impeksyon mula sa regular na ubo at sipon hanggang SARS.