Close

Babae sa Florida, nag-alok na ipalit ang kanyang sasakyan para sa candy

Sponsor ads


Nag-alok ang isang babae sa Massachusetts na i-trade ang kanyang Honda Accord kapalit ang Necco Wafers dahil sa pangambang itigil na ang pagbebenta nito.

Ayon kay Necco chief executive Michael McGee, noong Marso sinabi ng kompaniya na maaring hindi na magproduce ang kanilang nasa 395 workers dahil hindi umano sila makahanap ng buyer at maaring magsara na rin ang naturang kompaniya sa Mayo na gumagawa ng makukulay na wafers simula pa noong 1847.

Nabatid na namakyaw na rin ang maraming Necco fans ng kanilang paboritong candy matapos marinig ang naturang balita.

"Necco sales spiked more than 50 percent. Necco Wafers are up 63 percent," saad ng wholesaler Candystore.com sa kanilang blog post. "A clear signal of panic-buying."

Kabilang na nga rito si Katie Samuels, 23-anyos mula sa Florida na kumakain na ng naturang wafers simula pa noong bata pa umano siya at nag-alok pa ng kakaibang deal sa Candystore.com.

"I offered to trade my 2003 Honda Accord for all of their stock," she told the Boston Globe. "I knew it was kind of a silly thing to say, but I'm serious. I don't have much right now, so I was like, 'I've got this car, and I want all that candy, so maybe they would consider it.'"

Tinanggihan naman ng Candystore.com ang alok ni Samuels.

"A young woman named Katie contacted us saad ng kompaniya.

Dahil dito, bumili nalang Samuels ng nasa 48 rolls ng Necco Wafers gamit ang kanyang credit card.

"Maybe I'll try to get more," giit nito. "I guess what I said was kind of impulsive ... They thought I was crazy, but they were funny for even entertaining me."