Close

Babae, pinasok sa kwarto ng lalaking nakahubad

Sponsor ads


NUMANCIA, AKLAN - Laking gulat ng isang 23-anyos na babae nang pasukin ito nang nakahubad na lalaki sa kanyang kwarto.

Sa salaysay ng babae, naiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay sa Barangay Laguinbanua East, Numancia, Aklan nang umalis ang kanyang live-in partner.

Nang matutulog na umano siya ay nagulat ito nang may bumukas sa kanyang kulambo at dito tumambad sa kanyang harapan ang lalaking hubo’t-hubad kaya’t agad siyang tumakbo palabas.

Nakilala ng babae ang suspek kaya’t inireklamo niya ito sa pulis pero ini-refer naman sa Barangay Justice. BNFM Kalibo