Close

Babae, patay sa suicide

TBOLI, South Cotabato - Patay ang isang babae matapos na umano'y magsuicide, Hunyo 16 ng gabi sa Barangay Lemsnolon, nitong bayan.

Kinilala ito na si Aiza Estranghero Lamigo, 26, may-asawa, at residente ng nabanggit na lugar.

Bandang alas-8:00 ng gabi, naiwan umanong mag-isa sa bahay ang biktima matapos umalis ang asawang si Ronie Lauron kasama ang dalawang anak para manood ng tv sa kapitbahay.

Nang bumalik ng bahay, nakita na lamang ng mga ito ang biktima na nakabitay na sa trussess ng kanilang bahay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang suicidal note at text messages.

Sa ngayon, isinailalim na sa otopsiya ang bangkay ng biktima. (Girlie Narciso-Solis)