Close

BTC Chair Jaafar, pumanaw na

Sponsor ads


NAGLULUKSA ngayon ang sambayanang Bangsamoro matapos ang hindi inaasahang pagpanaw kaninang madaling araw ni MILF – Vice Chairman for Political Affairs at BTC Chair Ghadzali Jaafar.

Sa ginawang pagkumpirma sa Brigada News FM Cotabato ng tumatayong tagapagsalita ng pamilya na si Professor Raby Angkal, bagamat inaasahan na nila ang pagpanaw ng opisyal dahil sa matagal na itong may iniindang karamdaman.

Nakakalungkot lang anya dahil noong ito ay buhay pa ay pilit nyang ipinakikita sa kanyang mga staff at sa mga mamamayang Bangsamoro na kayang-kaya pa nya at natatanaw sa kanya ang labis na kagalakan lalo na ng magtagumpay ang Bangsamoro Organic Law na nagpatibay sa bagong Bangsamoro Region.

Si Jaafar ay pumanaw sa edad na 75 anyos at isa sya sa mga nagpasimuno ng rebolusyong Bangsamoro at nakatakdang ilibing ito sa kanyang lugar sa Sitio Tapuken, Brgy. Pigkalagan Sultan Kudarat Maguindanao.