Close

BSP binago na ang hugis ng 5-peso coin; 20 peso coin naman ilalabas na sa Dec

Sponsor ads


Binago na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang hugis ng 5-peso coin sa nonagon-shape para mas makilala at hindi na malito rito ang publiko.

Samantala ilalabas na rin ng BSP ang 20-peso coin na two-toned bronze at silver.

Ayon kay BSP Security Plant Complex senior asisstant governor Engr. Dahlia Luna, karaniwang napagkakamalan ang 5 peso coin bilang piso kaya binago na nila ito.

Ang 20 peso bill naman ay ginawa na ring barya para mapahaba ang buhay nito sa mga pamilihan dahil mas gamitin ito at madaling masira.

Gaya ng papel bill ng 20 pesos, tampok pa rin dito ang mukha ni dating President Manuel L. Quezon.

Sa susunod na taon naman ay maglalabas ang BSP ng enhanced features ng lahat ng Philippine bank notes.