Close

BSP, nag-upgrade ng mga desenyo para sa mga peso bills

Sponsor ads


May bagong look at feels na ang mga peso bills kasunod ng pagbabago ng desenyo na ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang window security thread na pa-vertical sa bawat denomination ay mayroon nang feature ng strip ng ethnic weave patterns kung saan nag-iiba ang kulay nito.

Ang mga desenyo ay unique para sa bawat denomination.

Halimbawa, para sa ?1,000 bill, makikita ang T'nalak weave na mayroong micro-optic features, habang sa ?500 bill ay makikita ang pattern mula sa southern Philippines at pag-iiba iba ng kulay mula sa gold hanggang jade kung tatanggalin sa liwanag.

Ang Visayan weave ang makikita sa ?200 note at nag-iiba ang kulay mula green papuntang blue, samantalang sa ?100 bill ay makikita ang endemic weave mula sa Bicol at magsi-shift ng kulay mula violet papuntang bronze.

Ayon sa BSP, ang pag-update sa mga desenyo at features ay layun na mapaigting ang seguridad laban sa fake bills at mas madaling matukoy.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagphaseout sa ?20 bill dahil ito ay magiging coin na.

Maliban dito, kasama sa mga bagong feature ay ang tactile or embossed markings sa kanang dulo ng bawat bill, upang madali itong matukoy ng mga matatanda, bulag at visually impaired.

Ang mga marka ay tumataas bawat face value, gaya halimbawa sa P50 bill na mayroong dalawang horizontal notches, apat sa ?100 bill, anim sa ?200, walo sa ?500, at 10 sticks para sa ?1,000 bill.