Close

BREAKING: Taal Volcano, nagbuga ng abo

Sponsor ads


Nagbuga ng abo ang Taal Volcano ngayong hapon sa pamamagitan ng phreatic eruption.

Paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, it umano ay dahil sa hydro-thermal activities.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang phreatic explosion sa Main Crater ng bulkan.

Kasunod nito ay itinaas ng Phivolcs sa Alert Level 2 ang bulkan at idineklara nang Permanent Danger Zone ang Volcano Island.

Samantala, nagsilikas na ang mga residente na malapit sa crater ng Bulkang Taal sa bahagi ng Brgy. Calawit, Balete, Batangas kasunod ng insidente.