Close

BOC collector na responsable sa SoKor garbage, pinasususpinde

Sponsor ads


Pinasususpinde ni Iligan City Representative Frederick Siao sa Bureau of Customs ang isa sa mga collector nito na nagpabaya umano sa nakapuslit na tone-toneladang basura mula sa South Korea patungong Misamis Oriental.

Ginawang basehan ng mosyon ni Siao ang liham mula sa Verde Soko at importation documents kung saan nilagdaan umano ito ni Customs Collector Floro Calixihan bago pa dumating ang garbage shipment.

Nagmistulang empleyado aniya ng naturang kumpanya si Calixihan nang lagdaan nito ang liham noong July 19, 2018 at pinayagan ang pagpasok ng kargamento matapos ang dalawang araw kahit na hindi pa sumasailalim sa inspeksyon.

Bukod pa rito ay hindi umano nangolekta ng import duties ang opisyal kaya malinaw na planado at may koordinasyon sa misdeclared importation ng 5,000 metric tons na basura.

Dahil dito ay iminungkahi rin ng kongresista na isailalim ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa internal investigation si Calixihan lalo't maaaring may nalabag umano ito sa customs at environment laws.