Close

BIFF, tinukoy ng PNP na nasa likod ng pagpapasabog sa Isulan

Sponsor ads


Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ang Bangsangmoro Islamic Freedom Fighter Dawlah Islamiyah Abu Torayfe group ang nasa likod nang nangyaring pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat nitong nakalipas na araw ng Sabado.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Bernard Banac, matapos na marinig ang mga testimonya ng mga negosyante sa pinangyarihan ng pagsabog nabatid na pangongotong ang motibo ng insidente.

Giit ni Banac na bago ang pagsabog nagbanta ang grupo na magpapasabog kapag hindi naibigay ang kanilang demand na 250,000 sa LGU ng Isulan Sultan Kudarat.

Samantala, hindi pa naman inaalis ng PNP ang posibilidad na may kaugnayan sa terorsimo ang pagsabog dahil sa improvised explosive device ang ginamit sa pagsabog.

Inaalam nila ngayon kung kaninong signature ang bombang sumabog.

Sa nangyaring pagsabog sa public market sa isulan sultan kudarat walo ang sugatan.
#