Close

BI: All HDOs vs Padilla were already lifted

Mariing itinanggi ng Bureau of Immigration (BI) ang umnao'y pagpapalabas ng hold departure order laban sa aktor na si Robin Padillana nagppigil na makalabas ito ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni BI spokesperson Maria Antonette Mangrobang na lahat umano ng HDOs laban kay Padilla ay tinanggal na noon pang August 3, 1993 at July 25, 1995.

Una nang naglabas ng hinanakit ang aktor sa kanyang Instagram post kung saan sinabi nitong papunta sana siya ng China para dumalo sa isang event ngnit pinigilan siyang umalis dahil sa HDO.

Giit pa ni Padilla sa naturang post na labis umano siyang nalulungkot dahil noong nasa ilalim pa lamang siya ng conditional pardon ay walang siyang problema na makaalis ng bansa.

“Ako’y pinalad na maimbita ng mahal na prinsesa ng Sultanate of Sulu para tumungo sa China at masaksihan ang magaganap na pagdiriwang ng napakatandang relasyon ng malakas na bansang Tsino/China at ng Sultanate of Sulu... sa hindi maipaliwang na pangyayari ay hindi ako makakaalis ng bansa dahil ako ay may hold order sa Bureau of Immigration,” saad nito.

“Napakagulo ng naganap na ito spagkat noong akoy conditional pardon lamang kailanman ay hindi ako nagkaroon ng suliranin sa pag alis ng Inangbayan pero ngaun na Absolute pardon na ako ay ngayon pa ako nabiyayaan ng hold order ng BI”.