Close

BI, kinumpirma ang pag-aresto sa Australayanong madre

Sponsor ads


Nasa kustodiya ng Bureau of Immigration ang 71-taong gulang na Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

Ayon sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), si Fox ay nagsisilbi bilang missionary ng Sisters of Our Lady of Sion at 27-taon na niyang pinaglalaban ang karapatan ng mga magsasaka at indigenous people.

Sinabi naman ni Fox sa isang panayam na matagal na siyang labas pasok ng Pilipinas pero tila ngayon lang siya nakwestyon ng immigration.

Kinumpirma naman ni BI spokesperson Antonette Mangrobang na hinuli nila ang isang "Patricia Cox" alinsunod sa Mission Order na inihain ni Commissioner Jaime Morente.

Iginiit ni Mangrobang na "Cox" at hindi "Fox" ang apelyido ng nasabing madre pero batay sa Catholic Directory ng Claretian Publications website, "Fox" ang tunay nitong apelyido.

Mababatid na sinabi ng BI na inaresto si Fox ng 6 na kawani ng BI sa mission house nito sa Quezon City kahapon at ngayon ay naka-detain siya sa BI intelligence division sa Intramuros, Manila.