Close

BCDA, ibibida ang driveless cars sa SEA Games

Sponsor ads


Ibibida ng gobyerno sa ika-30 Southeast Asian Games sa Nobyembre ang mga sasakyan na kayang gumalaw kahit walang driver.

Ito ay matapos lagdaan ng Coast Autonomous at ni Bases Conversion and Development Authority president Vivencio Dizon ang memorandum of agreement para sa paggamit at deployment ng mga sasakyan na tinawag bilang autonomous o self driving vehicles.

Si David Hickey ang lumagda para sa panig ng Coast Autonomous, na nagdisenyo, at nag-develop sa world-class vehicle automation at monitoring systems para sa autonomous vehicles.

Ipinunto ni Dizon na walang gagastusin ang gobyerno para sa mga nasabing sasakyan.

Sa isang pahayag, ay sinabi ng BCDA na magkakaroon muna ng test runs ang mga nasabing sasakyan bago gamitin ang mga ito para sa pagparada ng mga atleta sa SEA Games.