Close

BBM nakaself-quarantine, taliwas sa naka-confine dahil sa COVID-19

Sponsor ads


Pinasinungalingan ni dating Senador Bongbong Marcos Jr. ang mga ulat na kumakalat online na sya ay naka-confine sa ospital.

Sa isang statement, nagpasalamat si Marcos sa mga concerned sa kanyang kondisyon pero wala umanong dapat ipag-alala ang publiko dahil nasa maayos syang kalagayan at naka self-quarantine sa bahay.

Ayon sa dating senador, tama ang sinabi ng kanyang kapatid na masama ang kanyang pakiramdam kamakailan kaya sya nagpa-test para sa COVID-19 at hinihintay ngayon ang resulta nito.

Ang inilabas na statement ay may kalakip na larawan ni Marcos na nagbabasa ng pahayagan.

Kaugnay nito, sa inilabas ding statement ng kanyang asawang si Atty. Liza Marcos, sinabi nitong nagpa-test din sya sa COVID-19 at ang buong staff ng kanyang asawa at negatibo naman ang resulta ng mga ito