Close

BAI: Karne ng kuneho, ligtas kainin bilang alternatibo sa baboy

Sponsor ads


Inabisuhan ng Bureau of Animal Industry ang mga Pilipino na pwedeng gamitin ang karne ng kuneho bilang alternatibo sa baboy.

Sinabi ito ng BAI habang patuloy na nababawasan ang supply ng baboy sa bansa dahil sa African swine flu outbreak.

Tiniyak ni BAI-Livestock Research and Development Division officer in charge Dr. Eduardo Torne, na ligtas kainin ang karne ng kuneho.

Ayon kay Torne, wala pang international study ang nagsasabi na may Zoonotic disease ang mga kuneho.

Ang Zoonotic disease ay ang mga sakit na dumadapo sa mga hayop at pwedeng makahawa sa mga tao.

Matatandaan na sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nasubukan na niyang kumain ng karne ng kuneho, at kalasa lamang nito ang manok.