Close

Azkals balak i-upset ang China sa AFC Asian Cup

Sponsor ads


Plano ng Philippine Football team Azkals na i-upset ang China sa mangyayaring laban mamamaya sa nagpapatuloy na AFC Asian Cup.

Ayon kay Azkals Coach Sven-Goran Eriksson naniniwala siya sa kakayahan ng kanyang player para kunin ang panalo laban sa mga Chinese.

Magugunitang maraming sports analysts ang bumilib sa performance ng Azkals kontra powerhouse team South Korea kahit pa natalo ang mga pinoy sa score na 1-0.

Tiwala si Erickson na nagkaroon ng kumpiyansa ang kanyang mga bataan matapos ang laban sa Korean team.

Magiging krusyal ang laban ng Pilipinas sa Group C leader na China upang manatiling buhay ang pag-asa nitong maka-usad sa next round ng torneyo.