Close

Azkals, talo sa laban kontra China sa score na 0-3

Sponsor ads


Natalo ng China ang national men's football team ng Pilipinas sa 2019 Asian Football Confederation Asian Cup sa score na 3-0.

Matapos ang laro ng dalawang kuponan sa Mohammed Bin Zayed Stadium sa Abu Dhabi ay sigurado nang makakausad sa susunod na round ang China.

Dahil naman sa dalawang magkasunod na talo ng Philippine Azkals kung saan ay parehong naging goal-less ito ay lalo naman bumaba ang kanilang tiyansa na umabanse.

Nangunguna na ang China sa Group C hawak ang 6 points, habang ang Pilipinas naman ang nasa last spot na may minus 4 goal difference.

Sinabi naman ng Azkals substitute James Younghusband na kailangan na nilang masanay sa tatlong magkakasunod na laro kung gusto nilang matalo ang kanilang mga makakalaban.

Nagmula ang 2 goals ng China mula sa striker na si Wu Lei habang sinelyohan naman ng substitute na si Yu Dabao ang kanilang panalo sa kanyang headder sa 80th minute ng laro.

(Photo: AFP)