Close

Away ng driver at pasahero, dahilan ng pagkahulog ng bus sa China

Sponsor ads


Kumpirmadong ang away ng bus driver at isang galit na pasahero ang naging dahilan ng pagkahulog ng bus sa Yangtze river sa China ang dahilan ng pagkamatay ng 13 tao at pagkawala ng dalawang iba pa.

Ayon sa Chongqing police, base sa black box recording device at iba pang ebidensiya, isang babaeng pasahero na kinilala lamang sa apelyidong Liu ang nagalit matapos na lumampas sa dapat niyang bababaan.

Nilapitan umano nito ang driver para pahintuin pero tumanggi ito dahil sa bawal kaya siya sinuntok ng babae sa ulo gamit ang cell phone nito na inalmahan ng driver.

Pero dahil nawala sa focus sa driving, nawalan ito ng control kaya sinalpok nito ang guardrail hanggang sa mahulog sa ilog.

Ayon sa ilang abogado sa China, may karapatan ang pamilya ng mga biktima na humingi ng danyos sa bus operator at maging sa babaeng nang-away ng driver na dahilan ng aksidente.