Close

Avigan trials sa PH para sa COVID-19, sisimulan na next week

Sponsor ads


Posible nang simulan sa susunod na linggo ang clinical trials para sa Japanese anti-flu drug na Avigan na posibleng panggamot sa COVID-19.

Ito ay matapos magbigay ng go signal ang Department of Health (DOH) para sa recruitment ng mga participants sa isasagawang trial.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon lamang inaayos na minor issues kaugnay ng insurance system sa clinical trials.

At kapag nakapag-recruit na ng DOH ang mga isasaling pasyente, inaasahang sa susunod na linggo ay opisyal nang sisimulan ang pag-aaral.

Mababatid na una nang sinabi na sa kalagitnaan ng Hulyo magsisimula ang trial para sa Avigan pero na-delay ito dahil pinafinalize pa ang legal arrangements.

Noong Agosto ay nagpadala ng tablets ang Japan para gamitin sa 100 pasyente.

Sinabi ng pamahalaan na ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center ang trial sites para sa study.